80% ng public transportation sa bansa nakabalik na – LTFRB

Inihayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Martin Delgra III na umabot na sa 80% ng mga pampublikong transportasyon ang nakabalik na sa pamamasada sa buong bansa kasabay ng unti-unti pagbubukas ng ekonomiya.

Ayon kay Delgra, kasabay nito ay mahigpit nilang bilin lalo na sa mga public transport na magsuot na face mask, face shield, at kung maari ay iwasan ang pag-uusap sa loob ng mga sasakyan.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Patuloy naman ipapatupad sa mga Public Utility Vehicles ang one seat apart at paglalagay ng plastic barrier.

Nanawagan naman si Delgra sa mga driver at pasahero na iwasan ang pasahan o abutan ng pera at pamasahe dahil baka ito ang maging mitsa ng hawaan ng COVID-19.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Samantala kasabay ng bahagyang pagluluwag ng quarantine restrictions at inaasahang pagdami ng pasahero, sinabi ni Delgra na marami silang binuksan na provincial buses kabilang na ang mga inter-regional routes sa Metro Manila at inter-provincial na hindi nagpupunta sa Metro Manila.