80 na bagong kaso at 7 pagkasawi sa Covid-19, naitala sa Bicol Region

BICOL – Pumalo na sa 45,031 ang total cumulative cases ng COVID-19 sa Bicol region matapos na makapagtala ng 80 na mga bagong kaso ng covid-19.

Sa bilang na ito, nagtala ng 34 ang Albay kung saan 20 ang mula sa lungsod ng Legazpi, 4 sa Daraga, may tigda-dalawa ang mga bayan ng Bacacay, Malilipot, Malinao at Oas habang mayy tig-isa ang mga bayan ng Camalig at Guinobatan.

34 din na mga bagong kaso ang naitala ng Camarines Sur kung saan 11 rito ang mula sa Naga City, may tig-lima ag Bula at Lagonoy, 4 sa Goa, tigda-dalawa ang Calabanga, Sagnay at San Jose aat may tig-iisa ang mga bayan ng Camaligan, Nabua at lungsid ng Iriga.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Nagtala naman ng 11 ang probinsya ng Sorsogon kung saan 6 nito ang mula sa Sorsogon City, 2 sa Bulan at may tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Irosin at Juban.

Mayroon namang isang bago kaso ang islang probisya ng Catanduanes na mula sa bayan ng Pandan. Habang zero new cases ang mga lalawigan ng Camarines Norte at Masbate.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Samatala, pumalo na rin sa 34,678 ang total recoveries matapos magtala ng 55 na mga bagong gumaling kung saan 32 ang mula sa Catanduanes at 23 sa Sorsogon.

Umabot na rin sa 1,488 ang death toll ng sakit sa rehiyon matapos madagdagan ng 7 bagong pagkasawi kung saan anim ang naitala sa Naga City at isa sa Albay.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.###