80 anyos na lalaki pinakabagong nagpositibo sa COVID- 19  sa bayan ng Basud

CAMARINES NORTE- Matapos ang halos dalawang linggo ay muling nakapagtala ng panibagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte batay sa ulat ng Department of Health noong Sabado.

Ayon sa Lokal na Pamahalaan ang pinakabagong nagpositibo sa sakit ay isang 80 anyos na lalaki mula sa Barangay Poblacion 2 na kasalukuyang nagpapagaling sa isang pribadong ospital sa Daet.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Unang nakaramdam ng sintomas ang pasyente noong Pebrero 14.

Ang mga close contacts ng panibagong kaso ng COVID- 19 ay agaran umanong pinag- quarantine  at isasailalim sa RT PCR test.

Batay sa case bulletin ng LGU umaabot na sa 331 ang kabuuang kaso ng sakit sa naturang bayan na mayroon lang s ngayon iisang aktibong kaso.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Sa 331 na tinamaan ng COVID- 19 97 dito ay ngayong 2022 lang.

Umapela naman ang LGU sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa standard health protocols