Napili ng Philippine Sportswriters Association (PSA) ang golfer na si Yuka Saso at gymnast Carlos Yulo na maging recipients ng 2021 President’s Award.
Ang 20-taon na si Saso ay gumawa ng kasaysayan noong 2021, matapos maging kauna-unahang Filipino golfer na nanalo sa titulo sa isa sa four major championships ng naturang sports.
Maliban dito, nag-tie rin sila ni South Korea’s Inbee Park bilang pinakabatang babaeng golfer na nanalo sa US Women’s Open title.
Samantala, ang 22-anyos naman na si Yulo ay nakakuha ng world title sa vault discipline sa 50th FIG Artistic Gymnastics World Championships noong Oktubre sa Kitakyushu, Japan, at nagdagdag ng silver medal sa parallel bars event.
Dahil dito, nanalo si Yulo ng kabuoang tatlong medalya sa world gymnastics tilt, kasunod ng kanyang gold medal finish sa floor exercise event noong 2019.
Mababatid na si Weightlifter Hidilyn Diaz ang makakatanggap ng coveted PSA Athlete of the Year award matapos manalo ng kauna-unahang Olympic gold para sa Pilipinas, matapos angr 97-taon, habang si basketball legends Robert Jaworski Sr. at Ramon Fernandez ang napili namang makakatanggap ng PSA Lifetime Achievement plum.
