8 sa 10 Pinoy mas naaakit sa ‘matalino’ kesa sa ‘magandang katawan’ – SWS

Nasa 8 mula sa 10 mga Filipino ang mas naaakit sa ‘matalino’ kesa sa magandang katawan.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Station lumalabas na 84 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing mas naaakit sila sa utak ng isang tao kaysa sa kanilang katawan.

Mas mataas ng 3 puntos mula sa 81 porsiyento noong Disyembre 2019.

Read More:  Senator-judges question request to advance NBI chief’s testimony

Ang kagustuhan para sa utak kaysa sa katawan ay bahagyang mas mataas din sa mga kababaihan sa 88 porsiyento, kumpara sa 81 porsiyento sa mga lalaki.

Sa mga kababaihan, ang kagustuhan para sa utak kaysa sa katawan ay pinakamataas sa mga single na babae sa 90 porsiyento.

Read More:  House prosecutor says VP Sara Duterte cannot be mere spectator in impeachment trial

Nasa 91 percent naman mga kababaihan sa pagitan ng edad na 18 hanggang 24 ang kaparehong preference na sinusundan ng mga nasa hanay ng edad na 24 hanggang 34 sa 89 porsiyento.

Siyamnapu’t dalawang porsyento ng mga babaeng nagtapos sa kolehiyo ay mas gusto din ang utak kaysa katawan.