L.A Rams wagi sa Super Bowl LVI vs Cincinnati Bengals, 23-20

Nasungkit ng Rams ang unang Super Bowl title sa Los Angeles matapos talunin ang 23-20 win laban sa Cincinnati Bengals sa SoFi Stadium.

Unang dinomina ng Rams ang unang dalawang quarter sabalit sa ikalawang bahagi ng laro ay nagpasiklab ang Bengals.

Sisi sa panalo ang 79-yards, game-winning touchdown drive nina quarterback Matthew Stafford at receiver Cooper Kupp sa huling minuto ng laro.

Sinelyuhan naman ng depensa ng Rams para sa pagtatangka ng Bengals sa huling sandali kasunod ng tackle ni defensive end Aaron Donald kay quarterback Joe Burrow at napilitan itong ihagis ang football sa lupa.

Dito napuno ng confetti at mga strain ng, “I Love L.A.” ang buong SoFi Stadium.