Nagkasundo ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) na palawigin ang Alert Level 2 sa Metro Manila hanggang sa katapusan ng Pebrero.
Ito ang inihayag ni MMDA officer-in-charge Romando Artes ngayong Lunes.

Sa isang panayam sa isang vaccination event sa Parañaque City, sinabi ni Artes na ang rekomendasyon ay kasama sa Metro Manila Council Resolution 22-04.
Hinihimok ng resolusyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na palawigin ang Alert Level 2 sa NCR hanggang Pebrero 28, 2022.
Sa ilalim ng Alert Level 2 pinapayagan ang ilang mga establisyimento at aktibidad sa 50% na indoor capacity para sa ganap na nabakunahan na mga nasa hustong gulang at mga menor de edad, kahit na hindi nabakunahan, at 70% na kapasidad naman sa outdoor.
Ang resolusyon ay nilagdaan umano ng lahat ng 17 mayor na sakop ng NCR areas.