8 Pulis Lucena, arestado matapos pasukin ang bahay ng isang babae at tutukan ito ng baril sa Barangay Ransohan Lucena City

Arestado ang walong (8) intelligence operatives’ ng Lucena City Police Station matapos umanong pasukin ng mga ito ang bahay ng isang babae sa purok Masagana, Barangay Ransohan nitong Biyernes, Mayo 24.

Sa inihaing sumbong ng biktima, nakasaad dito na nagising na lamang sya bandang alas-3:15 ng madaling araw nang marinig nya ang malakas na kalabog sa kanilang pinto.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sapilitan umanong pinasok ng mga pulis ang kanilang bahay nang pwersahang sipain ng mga ito ang kanilang pinto hanggang sa ito ay masira.

Nakabonet at may tabon ang mukha ng mga tinuturong suspek na pumasok sa kanilang bahay at hinahanap ang kaniyang live-in partner na si Jonathan.

Sinigawan din umano ng mga ito ang babaeng biktima at tinutukan ng baril.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, na-relieve sa pwesto bilang Chief of Police ng Lucena CPS si PLtCol Reynaldo Reyes at itinalaga bilang Officer-In-Charge si PLtCol William Angway

Nahaharap sa kasong violation of domicile, grave threats, and unjust vexation ang walong akusado.

Sa ngayon, nakapag-piyansa na ang walong pulis.