8 paaralan sa Camarines Sur, nakatakdang magsagawa ng bakunahan para sa mga edad 5 hanggang 11 anyos

NAGA CITY—Walong paaralan sa Camarines Sur ang nakatakdang magsagawa ng bakunahan para sa 5 hanggang 11 taong gulang simula sa Miyerkules, February 23, 2022 hanggang sa araw ng Huwebes February 24, 2022.

Batay sa ito sa inilabas na Memorandum ng Department of Education Schools Division Office ng Camarines Sur.

Kabilang sa mga paaralan na magsasagawa ng vaccination para sa kanilang mga mag-aaral ay ang Camaligan Central School, Canaman Central School, Calabanga Central Division Pilot School, Magarao Central School, San Fernando Central School, Milaor Central School, Pili Central School asin Ocampo Central School.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Bago ang nakatakdang petsa ay isinagawa muna kahapon hanggang ngayong araw ang orientation sa mga magulang na pumirma ng consent o pagpayag na mabakunahan ang kanilang mga anak.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa Kinder at Grade 1 magsisimula ang pagbabakuna sa ganap na alas-8:00 ng umaga susundan naman ng nasa Grade II at III pupils simula alas-10:00 ng umaga. Ala-1:00 naman ng hapon gagawin ang bakunahan para sa mga Grade IV at Grade V habang alas-2:00 ng hapon naman ang mga nasa Grade VI.