Pagbabakuna sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang sa Catanduanes, umarangkada na rin kahapon

BNFM BICOL—Umarangkada na rin kahapon araw ng Lunes ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa mga batang edad 5 hanggang 11 taong gulang sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Isinagawa ang “Resbakuna Kids” sa gymnasium ng Catanduanes State University kung saan isang sampong taong gulang na batang lalaki mula sa Brgy. San Juan sa bayan ng Virac, ang unang tumanggap ng bakuna.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Upang maging kalmado ang ‘ambiance’ sa vaccination area at maiwasan ang anumang tensyon o takot ng mga bata sa pagpapabakuna, minabuti ng Provincial Health Office na magkaroon ng “puppet show” sa vaccination site na nagbigay aliw sa mga kabataan habang naghihintay bago at pagkatapos mabakunahan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Isinasagawa rin ang pagbabakuna sa nasabing age group sa iba pang mga bahagi ng Bicol na naglalayong mabigyan ng proteksyon ang mga bata kontra COVID-19.###

Photo Courtesy: RP Catanduanes