NAGA CITY- Diretsahang sinabi ng Catholic Educational Association of Caceres and Libmanan (CEACAL) ang kanilang paninindigan para sa Halalan 2022.
Sa pagharap sa press conference ng grupo, sinabi ni CEACAL President Fr. Wilmer Joseph Tria na ikinagagalak nila ang Board of Trustees ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na tumindig para sa integridad , katotohanan , demokrasya at hustisya.
Aniya may mga kandidatong ipinapakita ang kasinungalingan. Bilang mga na sa hanay ng edukasyon obligasyon aniya nilang ipabatid ang tama.
Subalit binigyang diin ni Fr. Tria na hindi dapat gamitin ang pulpit ukol sa kung sinong kandidato ang sinusuportahan. Hindi aniya dapat na magamit ang misa para rito subalit sa labas ng simbahan tulad nila na nagtuturo sa paaralan, may karapatan na punain ang mga nagpapakalat ng kasinungalingan.
