8 aktibong kaso ng COVID-19 Delta variant, mino-monitor ng DOH

Mino-monitor ng Department of Health (DOH) ang walong kaso ng COVID-19 Delta variant makaraang magpositibo muli sa isinagawang retesting. 

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nananatiling asymptomatic ang mga nasabing kaso. 

Apat dito ay na-detect sa Cagayan de Oro, tig isa sa Maynila at Misamis Oriental, at dalawa ay mga returning overseas Filipinos.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Una nang hinimok ng DOH ang publiko na ipagpatuloy ng publiko ang pagsunod ng health protocols laban sa COVID-19 at binigyang diin na nananatiling epektibo ang mga bakuna laban sa mga variants. 

Ipinag-utos na rin ng Department of the Interior and Local Goverment (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na palakasin ang contact tracing efforts at tiyakin ang transparency sa pagre-report ng variant cases. 

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Mababatid na kagabi, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na posibleng ipatupad muli ng Pilipinas ang mas mahigpit na restrictions matapos na kumpirmahin ng DOH ang insidente ng local cases ng Delta variant. 

Sa ngayon, mayroon nang 35 kaso ng Delta variant sa bansa, 11 ay local cases. May tatlo ring nasawi dahil sa mas nakakahawang variant.