NAGA CITY—Umabot na sa 7,798 na mga Nagueño ang nabakunahan kontra COVID-19.
Ito ang ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni City Health Officer Dr. Butch Borja.
Sa tala ng Health Emergency Response Task Force 5,147 sa 1st dose at 2,651 sa 2nd dose mula A1 hanggang A3 priority. Nitong nagdaang araw 459 ang nabakunahan karamihan sa mga ito ay nasa A2 o mga senior citizens. Kahapon naman 533 sa Jesse M. Robredo Coliseum o ang mega vaccination facility.

Samantala, umaasa si Borja na mas mapapabilis ang vaccination roll out, dumating na kase ang nasa 5-libong CoronaVac ng Sinovac.

Prayoridad ng pamahalaan ang lungsod dahil sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status nito.
Katuwang din ng Naga ang ilang mga health personnel mula sa Camarines Sur Medical Society.
Sa mga nais pang mag parehistro mag log on sa covidvax.naga.gov.ph o di kaya pumunta sa barangay hall o barangay health center sa manual registration.