Patuloy na umaasa si US President Joe Biden na mayroon pang survivor na makukuha sa gumuhong apartment building sa Miami na ikinamatay ng 18 tao habang nasa 45 ang patuloy na missing.
Sa pagharap ni Biden kasama ng kanyang asawa sa pamilya ng mga biktima ng pagguho, sinabi nitong hindi niya basta basta igi-give up ang rescue operation.
Pansamantalang itinigil ang search and rescue operation dahil sa pangambang bumigay din ang iba pang bahagi ng gusali na peligroso sa mga rescuers at sa mga posibleng survivor na na-trap.
Una nang lumabas ang report na may narinig na boses ng babae ang mga rescuers ilang araw matapos ang pagguho pero hindi na ito naririnig ngayon.
Samantala, tinitignan ngayon ng mga otoridad ang report na mayroong nadiskubreng leak ng tubig sa underground garage ng gusali na posibleng naging dahilan ng pagguho.
Pinaniniwalaang nagsimula ang pag-collapse sa basement ng apartment building.