76 % ng mga guro sa Camarines Norte bakunado na kontra COVID- 19- SDS Guemo

CAMARINES NORTE- Umaabot na sa 76 % ng mga guro sa lalawigan ng Camarines Norte ang nabakunahan na kontra COVID- 19.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo ang naging problema sa  23 % na hindi pa nababakunahan ay namimili ng brand ng bakuna dahil ang nakalaan para sa vaccination ng mga guro at DepEd personnel ay Sinovac.

Bibigyan pa naman umano ng pagkakataon ang mga guro na hindi pa nababanunahan ngayong Linggo na itinakda sa Huwebes at Biyernes maliban na lamang kung may pagbabago sa schedule ng School Health Personnel.

Kaugnay nito, muling hinimok ni Guemo ang mga guro at DepEd personnel na hindi pa bakunado na magpabakuna na dahil malaking tulong ito sa paglaban sa COVID- 19.

Aniya, napatunayan na sa maraming lugar kasama na ang Camarines Norte na bakuna ang sagot para bumaba ang mga naitatalang kaso ng COVID- 19.

“Kailangan na mapag isipan ng ating mga kasamahan ang advantage ng vaccine kasi tingnan ninyo dahil s amadami na ang na- vaccine, vaccinated na ang kadamihan di ba bumaba ang kaso,” ani Guemo sa programa ng Division Office na DepEd Hour.

“Ibig sabihin may nagawang tulong ang vaccination, so we  just hope no,  yung mga wala namang kumbaga sumasagabal sa kanila para hindi i- vaccine  ay would embrace the program, the vaccination program na kumbaga they will participate, they are given again onother opportunity.”

Dagdag pa ni Guemo na huwag sana aniyang sayangin ng mga guro ang pagkakataon na ibinigay sa DepEd Camarines Norte ng Department of Health na magbakuna ng kanilang personnel.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *