753 na mga Nagueño magiging benepisyaryo ng food stamp program ng DSWD

NAGA CITY- 753 na mga Nagueño ang magiging benepisyaryo ng “Walang Gutom 2027: Food Stamp Program” (FSP) ng Department of Social Welfare and Development Office (DSWD).

Ayon kay CSWDO Head Annable Vargas , Electronic Benefit Transfer (EBT) cards ang gagamitin, pamalit sa binilhing pagkain o P3,000 worth of food credits buwan-buwan. Ayon kay Vargas, Listahanan 3 o ang talagaan ng mga pamilyang higit na nangangailangan ang pinagbasehan ng DSWD sa benepisyaryo. Hindi na rito kasama ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Sa ngayon wala pang nabanggit ang CSWDO na magiging kapartner na negosyo o establishment. Magkakaroon aniya ng orientation ang mga benepisyaryo ukol sa programa.

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, handa na ang ahensya sa full implementation. Ang Walang Gutom 2027: Food Stamp Program (FSP) ay isa sa priority program ng DSWD upang labanan ang involuntary hunger na nararanasan ng mga low-income household sa pamamagitan ng pagbibigay ng PHP 3,000 food credits sa Electronic Benefit Transfer (EBT) card ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *