COVID-19 cases sa mga manggagawa sa Kamara, tumaas

Kinumpirma ng Office of the House Secretary General na tumaas ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga empleyado.

Batay sa inilabas na memorandum ni Officer-in-charge Atty. Annalou Nachura, muling pinaalalahanan ang mga kawani na mahigpit na sundin ang health protocols laban sa COVID-19.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Iginiit ni Nachura ang pagsunod sa proper hygiene, cough etiquette at paghimok sa immunocompromised individuals na magsuot pa rin ng face mask.

Ang isang empleyado ng Kamara na magpopositibo sa COVID-19 ay pinag-i-isolate sa loob ng limang araw.

Kapag immunocompromised naman ang tinamaan ng virus ay sampung araw ang itinakdang isolation.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Samantala, ang mga personnel ng opisina o division kung saan nagtatrabaho ang COVID-19 positive ay inaatasan na magsuot ng face mask sa loob ng sampung araw.

Ang Medical and Dental Service o MDS COVID Manager ang magmo-monitor sa positibong pasyente at maglalabas ng clearance bago ito payagang bumalik sa trabaho.