CAMARINES SUR- Kaliwat-kanan ang programa sa bawat lungsod at munisipalidad kaugnay ng ika-126 na pag-gunita ng Araw ng Kalayaan pero sa kabundukan mayroon namang nagpapalitan ng putok at isa ang nasawi.
Sa Caramoan, Camarines Sur nagka engkwentro ang mga militar at mga rebelde bandang alas 8:45 ng umaga sa Barangay Antolon. Habang nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng 83rd Infantry battalion, nakasagupa ng mga ito ang tinatayang limang mga New People’s Army (NPA).
Tumagal ng limang minuto ang putukan. Kanya-kanyang takbo ang mga rebelde at naiwan ang nasawi na si Alyas Diego. Ayon kay DPAO Chief Frank Roldan, matagal nang nimomonitor ang nasabing rebelde.
Tuloy-tuloy naman ang panawagan ng Philippine Army sa mga rebelde na sumuko na gobyerno dahil naghihintay ang mga programa para sa kanilang pagbabagong buhay.