71 na pwd sa delfin albano, nakatanggap ng tulong pangkabuyan mula DTI-ISABELA

Nakatanggap ng tulong pangkabuhayan mula sa Department of Trade and Industry ang 71 na miyembro ng PWD Association sa bayan ng Delfin Albano, Isabela.

Sa nakuhang impormayson ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nasa 376,000 ang halaga ng livelihood assistance na kanilang natanggap.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kabilang dito ang 67 Sari-Sari Store Package, 3 Panaderya Package at isang Online Package na naglalaman ng 5,300 pesos kada indibidwal.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Ito ay sa ilalim ng programang Pangkabuhayan sa Pagbangon at Ginhawa (PPG) ng DTI-Isabela.

Layunin ng nasabing programa na maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga Isabeleño lalo na umano ang mga may kapansanan.