70% Target population sa A2-A3 priority group di pa naaabot-DOH Bicol

LEGAZPI CITY – Hindi pa nakakamit ng Bicol Region ang 70% target population sa pagbabakuna sa A2 at A3 priority group.// Ito ang inihayag ni Dr Rita Mae Ang Bon, ang covid 19 Vaccination Coordinator ng Department of Health (DOH) Bicol sa press briefing kahapon.

Ayon kay Bon, nasa 44% pa lang ang nababakunahan sa senior citizen habang 35% para sa individual with comorbidity.

Base sa tala ng tanggapan, aabot sa 205, 991 ng nabakunahan sa 1st dose at 41, 978 sa second dose na A2 priority group.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Umaabot na rin sa 130, 121 sa unang dose habang 32, 320 ang naturukan sa second dose sa A3 priority group.

Sa kabuuhang bilang na nababakunahan sa rehiyon mula sa A1 hanggang A4 ay umaabot na rin sa 497, 599 sa unang dose habang nasa 165, 696 sa second dose na kung saan 14% pa lang ang coverage nababakunahan.

Ayon pa sa DOH, tanging ang lalawigan ng Catanduanes ang pinakamaraming nabakunahan sa A2 kung saan malapit ng makamit nito ang minimum target population na senior citizen.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Aabot sa 67% ang nabakunahan sa A2 habang malaking hahabulin sa pagbabakuna sa A3. kung saan mababa pa rin ito.//Samantala, ang lalawigan ng Masbate ang pinakamababang nabakunahan na senior citizen kung saan nasa 27 % pa lang ito ngunit mas marami ang kanilang nababakunahan sa A3 priority group na umabot sa 49%.

Dahil dito kailangan habulin o pataasin ng nasabing lalawigan ang bilang ng pagbabakuna sa senior citizen upang protektado ang mga ito laban sa covid 19