70-anyos na lola sa India, nagsilang ng kanyang panganay na anak

India—  Pamilyar ba kayo sa kwento ni Sarah at ni Abraham sa bibliya?

Ito ang kwento na mababasa sa aklat ng Genesis kung saan himalang nagsilang ng sanggol si Sarah sa edad na 90-anyos at iyon nga ay ang kanyang anak na pinangalanang si Isaac na ama naman ni Jacob.

Ayon sa pag-aaral, bumababa ang tiyansa o kakayahan ng isang babaeng magbuntis kapag siya ay nagkaka edad na kaya naman pinag-uusapan ngayon sa India ang isang 70-anyos na babaeng nagsilang ng kanyang panganay na anak na itinuturing umanong milagro.

Mahigit 45-taon nang kasal ang mag-asawang sina Jivunben Ravar at ang mister niyang si Maldhari, ngunit naging mahirap para sa kanila ang magka anak kaya nag desisyon silang mag-asawa na hingin na ang tulong ng siyensya.

Sumailalim sila sa tinatawag na ‘in vetro fertilization (IVF)’ o ang proseso kung saan pini-fertilize ang egg cell ng babae gamit ang semilya ng lalaki sa laborartoryo.  

Sa oras na ma fertile na ang egg cell, saka ito ibabalik sa sinapupunan ng babae upang dito na palakihin hanggang sa mabuo at maging isang sanggol.

Ayon sa mga eksperto, ang chance of success ng IVF ay 43% lamang para sa mga babaeng sumailalim sa ganitong proseso sa edad na 35-anyos pababa habang 15.6% naman para sa mga babaeng 41-anyos pataas, kaya’t tunay na himala ang nangyaring pagbubuntis ni Jivunben.

Labis ang pasasalamat ng mag-asawa dahil natupad na ang kanilang pangarap na magka-anak sa na matagal nilang hinintay sa loob ng maraming taon.### JUMEL DELA ROSA