LEGAZPI CITY – Isinagawa kahapon ang Groundbreaking Ceremony para sa panukalang konstruksyon ng Reinforced Concrete Box Culvert sa Barangay Bagong Abre sa lungsod ng Legazpi.
Pinangunahan ng Alkalde Noel Rosal ng Legazpi, Sangguniang Panglungsod, Barangay officials at iba pang officials ng gobyerno para sa Groundbreaking Ceremony. Ayon kay Rosal, mahigit sa 100 pamilyang ang mabebenipisyuhan ng nasabing proyekto.
Malaking tulong umano ito sa mga residente dahil sa makakaraan na ang mga tricycle o sasakyan tuwing mayroong emerhensya. Hindi na kailangan pang umikot sa ibang lugar para lang dalhin sa malapit na ospital.
Dagdag pa nito, mapapadali na rin ang paglikas ng mga pamilya o residente tuwing mayroong bagyo na tatama sa rehiyon Bicol. Paglilinaw ng opisyal na hindi ito isang pakikipagkompetensya sa mga proyekto o sa politiko, ito ay matagal ng ninanais ng barangay o residente na palawakin ang tulay. Aabot sa P1.7M ang inilaan na pondo sa proyekto.