7 sugatan sa karambola ng truck at van sa Palawan

Sugatan ang pito sa walong ( 8 ) mga sakay ng pampasaherong van nang makabanggaan nito ang isa sa dalawang container truck sa Barangay Labog, Sofronio Española Palawan.

Ayon ito sa driver ng van (Pilandok) na si John Vincent Galang sa panayam ng Tira Brigada.

Read More:  Bystanders scramble for cover as exchange of gunfire wounds 4 in Himamaylan City

Sinabi nito na ganap na 4:45 ng umaga ngayong Miyerkules nangyari ang aksidente.

Papunta umano siya ng Puerto Princesa mula sa bayan ng Brooke’s Point nang makasalubong nila ang dalawang trailer truck na nagpagiwang-giwang.

Read More:  Shrimp swarm surprises residents along Sipalay beachfront in Negros Occidental

Tinangka pa raw nyang iwasan ang truck pero nabangga siya ng isa pang truck na kasunod nito.

Samantala, nag-iimbestiga na ang Española PNP sa pinangyarihan.