7 sa 10 nagpositibo sa COVID-19 carrier ng mas nakakahawang Delta variant – DOH

Kinumpirma ng Department of Health na 7 mula sa 10 positibo sa COVID-19 ang carrier ng mas nakakahawang Delta variant.

Maliban dito, ibinunyag ng DOH na 90% ng COVID-19 random samples na sumailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center ang natuklasang nagtataglay ng Alpha at Beta variants.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Nananatili namang pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa bansa ang Alpha at Beta. Sa report ng DOH, 516 o 69% ng kabuuang 748 random samples ang Delta variant kung saan mayorya nito ay mga local cases na.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Samantala, nakatuklas din ng 41 cases ng P.3 variant ang PGC pero hindi pa ito ikinokonsidera na variant of concern.

Patuloy naman ang paalala ng DOH sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa health protocols upang maiwasan ang pagkakahawa sa sakit.