Muslim riders sa Naga at Camarines sur boluntaryong tumutulong sa border control point ng Naga City

NAGA CITY – May karagdagang puwersa ang mga otoridad ng lungsod sa pagbabantay sa mga border control check point particular na sa boundary ng Milaor at ng Naga City.

Sila ay mga Muslim na kabilang sa Khidmat Riders Federation na may mahigit 100 miyembro na mula sa Naga at Camarines Sur.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Mike Mustapha ng Muslim Affairs Office, sinabi nito na boluntaryo ang serbisyong ito na ibinibigay ng kanyang mga kasamahan bilang tulong nila sa pamahalaang local ng Naga ngayong may pandemya.

Nais nilang ipakita na sila naman ay may pakinabang sa ganitong sitwasyon na kahit sa pagche-checkpoint ay makatulong sa umagang duty.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Nagsimulang mag duty ang mga riders noong araw na magbisita sa lungsod si PNP Chief General Guillermo Eleazar kung kailan rin sila nanumpa.