Mainitang pagtatalo sa kalagitnaan ng inuman nauwi sa pananaga

CAMARINES NORTE- Nauwi sa pananaga ang dapat sana’y masayang inuman sa isang bilyaran sa Purok 1, Barangay Pagsangahan sa bayan ng Basud, Camarines Norte Sabado ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Orlando Bigata y Magana 32 anyos, magsasaka at residente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa ulat ng PNP habang nasa kalagitnaan ng inuman ang biktima at ang suspek na nakilalang si Reyman Jikere San Rafael y Oste 42, ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Sa kalagitnaan ng argumento ay bigla umanong umalis si San Rafael at sa kaniyang pagbabalik ay mayroon na itong dalang itak.

Dito na umano tinaga ni San Rafael si Bigata sa kaliwang ulo at dibidib.

Read More:  Iloilo barangay councilor nabbed in buy-bust, ₱2.24M worth of shabu seized

Matapos ang pangyayari ay mabilis na tumakas ang suspek pero kalaunan ay sumuko rin ito sa isang kagawad ng barangay na siya namang nag turn- over sa himpilan ng Basud MPS.

Isinugod naman sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktima para sa atensyong medical.

Nasa kustodiya ngayon ng Basud MPS ang suspek at inihahanda na ang kakaharaping kaso.