Pinakawalan na ang isang buwaya na nahuli ng mga residente sa ilog ng Sitio Tigaplan, Barangay Aribungos Brooke’s Point Palawan noong July 20, 2022.
Ito umano ang naging desisyon ng Barangay kaya kahapon ay pinakawalan agad ito.
Paliwanag dito ng Bureau of Fisheries & Aquatic Resources ( BFAR ) Brooke’s Point ay ang pagpapakawala sa hayop ay pagsunod sa ‘implementing rule’.
Sa kabilang banda, ang pagkakahuli at pagpapakawala sa buwaya ay hindi umano alam ng PCSDS dahil walang nag-report, ayon kay John Vincent Fabello.
“Ang protocol kasi dyan dapat mai-report agad sa opisina para matingnan ng technical staff at PWRC personnel ang sitwasyon at ang bwaya. Upon assessment, kung ok naman ang sitwasyon at fit to release ang bwaya, saka kami gagawa ng hakbang for release. Wala daw nagreport sa office ng PCSDS sa Brookes point tungkol sa buwaya sa Aribungos.”
Samantala, nagpahayag ng pangangamba sa Brigada ang ilang nakatira malapit sa dagat.