7 buwang gulang na sanggol mula sa bayan ng Mercedes, kabilang sa 4 na bagong kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Nakapagtala muli ng apat na panibagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte.

Batay  sa ulat ng Department of Health nitong Miyerkules, April 26, ang mga naitalang bagong kaso ng COVID- 19 ay mula sa Jose Panganiban, San Vicente, Vinzons at ang pitong buwang gulang na sanggol mula sa Mercedes.

Batay sa opisyal na pahayag ng LGU Mercedes, ang pitong buwang gulang na sanggol na tinamaan ng COVID- 19 ay lalaki na may code na Bicol No 66641 na taga Barangay II.

April 23 nang magsimulang makaranas ng sintomas ang sanggol tulad ng mataas na lagnat, ubo at sipon.

Isinailalim  ito sa RT- PCR test at lumabas na nagpositibo  sa COVID- 19 na ngayon ay nasa isolation area ng Camarines Norte Provincial Hospital.

Si Bicol 66641 ang ika 211 na nagpositibo sa  COVID- 19 sa naturang bayan.

Batay sa datos ng Provincial Health Office, mula Enero nitong taon ay ito na ang pinakamataas na naitalang kaso ng COVID- 19 sa Camarines Norte.

Ngayong buwan lang ng Abril ay mayroong anim na naitalang kaso, tatlo noong Enero at isa noong Pebrero at Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *