DA hinimok ang mga magsasaka na hindi pa nakarehistro sa RSBSA na mag- enroll na para ma- qualify sa mga interventions ng gobyerno

CAMARINES NORTE- Hinimok ng Department of Agriculture (DA) ang mga magsasaka sa lalawigan ng Camarines Norte na hindi pa naka- enroll sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na magpatala na upang ma- qualify sa mga interventions ng gobyerno.

Ayon kay Ailyn Rafer, Agricultural Program Coordinating Officer ng DA Region V, hindi pa tapos ang registration kaya maaari pang magpatala.

Sinabi ito ni Rafer sa isinagawang System Management Committee Meeting ng mga Irrigators Association at mga magsasaka na inorganisa ng National Irrigation Administration (NIA) na ginanap nitong Miyerkules, April 26 sa bayan ng Daet.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Aniya mula nang ipatupad ang RSBSA registration ay ang mga naka- enroll lang dito ang binibigyang prioridad sakaling may mga interventions ang gobyerno.

Inanunsiyo rin ni Rafer na magkakaroon ng mass distribution ng mga binhi sa May 4 ng taong kasalukuyan.

Ito umano ay mula sa Quick Response Fund ng ahensiya sa gitna na rin ng inaasahang kakulangan ng binhi sa mga susunod na araw.

Samantala, tapos na ang fertilizer voucher distribution noong isang taon pero nagkaroon ng extension.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Gayunman ubos na ang allocation ng fertilizer voucher sa Camarines Norte dahil kaunti lang ito.

Noong kasing mga nagdaang taon ay nasa dalawampung milyon ang allocation para sa fertilizer voucher pero bigla itong bumagsak sa pitong milyon noong isang taon.

Nahirit lang umano dahil may kabagalan ang ibang probinsiya dahilan upang magkaroon ng karagdagang limang milyon kaya sa kabuuan ay nasa labinglimang milyon ang fertilizer voucher sa Camarines Norte para sa taong 2022.