7 bagong kaso at 3 pagkasawi sa covid-19, naitala sa Bicol region kahapon

BICOL – Nakapagtala lamang ng pitong mga bagong kaso ng COVID-19 ang Bicol region kahapon batay sa ulat ng Department of Health.

Ang naturang mga bagong nagpositibo ay pawang naitala sa Camarines Sur kung saan mayroong tig-dalawang kaso ang Naga City at bayan ng Nabua habang may tig-iisa ang mga bayan ng Buhi, Minalabac at Pili.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon sa DOH-Bicol, wala umano kasing nag test positive sa mga specimens na mula sa iba pang mga probinsya gayundin mula sa mga lugar sa labas ng rehiyon.

Sa kasakuluyan, umaabot na 58,786 ang total COVID-19 cases sa Bicol simula pa noong March 2020.

Wala namang naitalang bagong nakarekober kung kaya’t nakapako sa 51,844 total recoveries sa Bicol.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Gayunpaman, sinabi ng ahensya na malaki pa umano ang hahabulin ng rehiyon pagdating sa bilang ng nakarekober dahil sa pending reports na dapat nang maisumite ng mga probinsya at syudad sa Bicol.

Samantala, 3 bagong pagkasawi rin ang naitala kahapon dahilan para umakyat naman sa 2,123 ang total covid-19 death toll sa kabikulan.