Humigit-kumulang 2,000 na magsasaka sa Pioduran, Albay ang nakatanggap ng 5,000 cash assistance mula Rice Farmers Financial Assistance at Rice Competitiveness Enhancement Fund (RFFA-RCEF).
Pinagbatayan ng nasabing tulong ang mga magsasaka na may sinasaka nang aabot sa (2) ektaryang lupain.
Ayon kay Provincial Agriculturist Che Rebeta, magpapatuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga magsasaka sa ibat-ibang lugar sa rehiyon Bicol.
Maliban pa rito, nagbigay rin ng libreng wheelchair ang Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa mga enlisted at qualified Persons with disabilities (PWD) sa nasabing lugar, sa ilalim ng pangangasiwa ni PGDH Dr. Eva Grageda.