Umabot sa 67 ang patay sa Germany at Belgium matapos ang pagbaha sanhi ng malakas na pag-ulan.
Ayon sa report, karamihan sa mga namatay ay sa Germany habang 9 ang namatay sa Belgium.

Pinakamatinding sinalanta ng pagbaha ang German state na Rhineland-Palatinate at North Rhine-Westphalia habang matindi ding naapektuhan din ang the Netherlands Itinuturo ng mga opisyal ang climate change sa naranasang extreme weahter dahilan para ipanawagan nila ang mas mabilis na climate protection measures.
Sinabi ni North Rhine-Westphalia Armin Lashet na inaasahan na nilang mas magiging madalas ang extreme weather events dahil sa climate change.
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi si German Chancellor Angel Merkel na nasa America dahil sa pulong nila ni President Joe Biden kasabay ng pagtawag niya sa pagbaha bilang catastrophe