Active cases ng COVID-19 sa Albay, bumaba na sa 800 mula sa mahigit 2k

BICOL—Nakitaan na ng pagbaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Albay sa nagdaang 15 araw mula nang pumasok ang buwan ng Hulyo.

Mula sa 2,171 noong June 30 ay naging pababa na nang pababa ang bilang nito hanggang sa umabot na lamang sa 815 sa pinakahuling tala kahapon.

Hulyo 1 ay bumaba ito sa 2,143 hanggang sa bumaba pa sa 1,226 noong Hulyo 9; 1,039 na lamang noong Hulyo 12; 900 noong Hulyo 14 at nasa 815 na lamang kahapon.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Bunsod ito ng mataas na bilang ng mga nakakarekober habang kumonti naman ang mga nadadagdag sa mga bagong kaso.

Sa huling ulat, 15 ang mga bagong kaso habang 78 ang mga bagong gumaling at may isa namang nasawi.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Sa 15 bagong kaso, walo ang mula sa lungsod ng Legazpi, apat sa bayan ng Daraga, dalawa sa bayan ng Sto. Domingo at isa sa bayan ng Camalig.

Sa kabuuan, nasa 4,793 na ang bilang ng mga tinamaan ng coronavirus sa Albay, 3,802 na nito ang mga gumaling habang 176 ang mga nasawi.### || SLM