67-anyos sa Kor, nagtapos sa JHS ng ALS program

KORONADAL CITY – HINDI pagpayag ng magulang noon na tumuntong sa high school, ang naging dahilan ng isang 67-anyos na lola sa Purok Bagong Silang, Barangay Carpenter Hill, Koronadal City kung bakit hanggang elementarya lamang ang kaniyang natapos. Kinilala ito kay Domingga Malinog, 67, Junior High School Completer ng Alternative Learning System o ALS sa lungsod.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Wilfred Malinog, anak ni Domingga, na siyang kaniyang grup, inihayag nito na dahil sa hirap ng buhay noon, hindi na umano naipagpatuloy ng kaniyang ina ang pag-aaral nito sa high school.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Si Wilfred ay isang public school teacher kung saan nailipat ito sa ALS program noong nagdaang taon upang magturo, kung saan, habang ito umano ang nag-checheck ng mga module ng kaniyang estudyante, binabasa umano ng kaniyang ina ang mga module na ito na naging dahilan kung bakit, napag-isipan nitong magpa-enroll sa ALS program.

Ayon kay Wilfred, ilan sa mga naging inspirasyon ng kaniyang ina ay ang pangarap nitong maabot ang kaniyang mithiin, hirap sa buhay at upang makapagtapos ng kaniyang pag-aaral. Dagdag nito, na pinag-iisipan pa ng kaniyang ina, kung itutuloy nito ang pagpasok sa Senior High School dahil narin sa kaniyang mga dinaramdam sa mga panahon ito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Lubos aniya ang kaniyang galak, maging ng kaniyang ina, dahil nairaos nito ang pag-aaral sa ALS kung saan malaking hamon sa kaniya ang isang asignaturang teknolohiya, ngunit, palaban naman umano ito sa mga asignaturang english, math, science at iba pa.

Maaalala, na isinagawa ang kanilang pagtatapos noong May 20, 2024 sa South Cotabato Gymnasium and Cultural Center.