Mangingisda sa Palawan, hindi raw natatakot sa mga Chinese sa WPS

Hindi raw matatakot ang mga mangingisda mula sa West Coast ng Palawan sa mga tsino sa West Philippine Sea.

Ito ay sa kabila ng banta ng China na huhuliin nila ang sinumang bangka na papasok sa kanila umanong teritoryo.

Read More:  Trailer truck plunges off Bukidnon bridge, three trapped for two hours

Ayon sa mangingisda si Narsiso Mario, hindi makatarungan na hulihin sila dahil lamang sa pangingisda sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon pa sa isang kapitan ng bangka na si Rende Andao, dapat bantayan ng Goberno ang mga mangingisda na pumapalaot sa pinag-aagawang teritoryo.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, giit pa ng mangingisdang si Elesio Omapas buo ang loob nilang mangingisda sa WPS para sa kanilang pamilya at wala silang pakialaman anuman ang gawin ng mga barko ng China.