Umabot sa 65 na tao kabilang ang 28 sundalong rumesponde ang patay sa forest fire sa Algeria.
Ayon sa report, nasa kritikal na kondisyon pa ang 12 sundalo matapos na lumakas pa ang sunog sa nirespondehan nilang forest fire sa mabundok na bahagi ng nasabing bansa.
Napag-alamang nasawi ang mga sundalo sa magkakaibang lokasyon habang sinusubukan ng mga ito na maapula ang sunog na naging dahilan ng pagkaka-injure ng mga ito sanhi ng matinding paso sa katawan.
Sa report, umabot sa 48 degrees celcius ang temperatura sa lugar na naging dahilan para mas mahirapan ang mga otoridad sa pag-apula sa sunog.
Matatandaan na hindi na bago ang wildfires sa Algeria kung saan taon-taon ay may nagaganap na forest fire bagamat sinasabi ng mga otoridad na ito na ang isa sa pinakamatindi.
