Madadagdagan ng mula 50 hanggang 66 pesos ang arawang sahod ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Central Luzon.
Ito ay matapos na maaprobahan na ang Wage Order No. RBIII-25 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – III. Ayon kay RTWPB III Board Sec. Kenneth Liza, ito ay ipapatupad ng dalawang tranche kung saan ang una ay sa Oct. 17 ngayong taon na mula 25 hanggang 41 pesos habang ang ikalawa naman ay sa April 16, 2025 na nagkakahalaga ng 25 pesos.
Samantala, ang halaga ng magiging arawang sahod ng mga manggagawa ay depende sa sektor mula sa Non-agriculture, Agriculture at Retail and service establishments sa mga lugar na nasasakupan ng Region III.