60 KADIWA ng Pangulo outlets – target buksan sa susunod na buwan

Muling tiniyak ng Department of Agriculture (DA) ang pagpapalawig ng Kadiwa ng Pangulo sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay DA Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr., 60 na outlets ang bubuksan sa susunod na buwan.

Read More:  Philippine debt hits record ₱19.66 trillion in September

Ia-alok dito ang P29 na bigas at murang mga agri-products.

Tina-target din ng DA na makapagtayo ng isang KADIWA store sa kada 1,500 na munisipalidad na nakikipag-partner na sa mga pribadong sektor.

Read More:  SC seeks comment on VP Sara Duterte impeachment vote rule

Samantala, nakikipag-usap na rin ang mga kagawaran sa ilang food manufacturers upang makapagsuplay ito ng mga bilihin gaya ng sardinas, mantika, at iba pa.