Mahigit 22 milyong deboto, inaasahang makikilahok sa Traslacion 2024

Inaasahang nasa mahigit 22 milyong deboto ang makikibahagi sa Traslacion 2024 o ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa January 9.

Ayon kay Fr. Hans Magdurulang, tagapagsalita ng Nazareno 2024, inaasahan nila ang mas malaking bilang ng mga deboto sa pagbabalik ng Traslacion matapos masuspinde ng tatlong taon mula 2021 hanggang 2023 dahil sa pandemya bunsod ng Covid-19.

Read More:  Senate minority walks out over proposed rules change

Dagdag pa ni Magdurulang, tinantiya nila ang dami ng tao batay sa naitalang bilang ng mga deboto na dumalo noong huling Traslacion.

Hinikayat din niya ang mga bata, matatanda, buntis, at mga may sakit na panoorin lamang ang kaganapan online para sa kanilang kaligtasan.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Samantala, pinag iisipan din ng mga opisyal ng Quiapo Church na ilagay ang imahe ng Itim na Nazareno sa loob ng isang glass box upang mapanatili ang kaligtasan nito sa pinsala sa panahon ng kaganapan.