Annual Salud Bicolnon Awards ng DOH isasagawa sa Biyernes

CAMARINES NORTE- Nakatakdang isagawa sa Biyernes, Enero 13 ang Salud Bicolnon Awarding Ceremony sa isang hotel sa Legazpi City.

Ang Salud Bikolnon Awards ay isang annual event ng Department of Health- Regional Office V para bigyang pagkilala ang mga exceptional practices sa health governance ng mga Local Government Units at iba pang health partners.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

May mga awardee mula sa lalawigan ng Camarines Norte hindi lang mula sa LGU at health sector kundi kabilang na sa hanay ng media.

Mayroong iba’t- ibang category ang naturang awards kung saan ilang LGU’s, Hospitals at stakeholders ang tatanggap ng plaques of recognition.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Noong mga nagdaaang taon, any mayroon ding cash awards na ibinibigay.

Ang Salud Bicolnon Awards ay nagbibigay rin ng special citations sa top performing LGU sa implementation ng mga health programs.

Hindi pa inilalabas ng ahensiya ang kumpletong listahan ng awardee pero pinadalhan na ang mga ito ng sulat.