LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Provincial Agriculture Office (APAO) na nasa anim na mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ang apektado na ng dry spell.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay APAO OIC Assistant Provincial Agriculturist Daryl John Buenconsejo, sinabi niya na isa ang naitala sa 2nd district habang lima sa 3rd district.
Ayon kay Buenconsejo, batay sa natanggap nilang report, nasa 3,153 hectares na ng palayan ang apektado at inaasahang nasa 14,108 metric tons ang maaari sanang ma-harvest.
Maliban umano sa palayan, mayroon ding apektadong high-value vegetables at crops tulad ng maisan dahil sa nasabing dry spell.
Sinabi pa ni Buenconsejo, umabot na rin sa mahigit apat na libong magsasaka na ang apektado.