5k pulis, itatalaga sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos

Tiniyak ng Philippine National Police na bantay-sarado ang magiging inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos sa Hunyo a-trenta.

Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, sa ngayon ay wala pa ring namo-monitor na mga banta sa panunumpa ng ika-17 Pangulo ng Republika.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Sa kabila nito, hindi pa rin umano magpapakakampante ang hanay ng pulisya.

Sa katunayan, nasa 5,000 mga pulis-Maynila ang ipakakalat sa palibot ng National Museum.

Ito ay para matiyak na mataas ang police visibility, maaagapan ang mga posibleng banta ng pangugulo, at para mamanduhan ang trapiko sa area.

Read More:  Flood control probe pushes through, Baligod and 18 ‘Ex-Marines’ invited

Asahan naman aniyang magpapatupad ng rerouting sa mga kalsadang malapit sa National Museum.

Samantala, sa hiwalay na Viber message mula kay MPD PIO PMaj. Philipp Ines, sinabi nitong tuloy-tuloy pa rin ang preparation stage ng MPD, at nakikipag-coordinate pa sila sa ibang mga ahensya.
#