Inihahanda na ng National Bureau of Investigation – Special Action unit o NBI-SAU ang pagpo-proseso sa transfer nina Jun Lozada at kapatid nito sa New Bilibid Prison.
Ito nga ay makaraang ma-convict ang dalawa sa kasong graft dahil sa ma-anomalyang land deal noong namumuno pa si Lozada sa Philippine Forest Corporation.
Sa pahayag ng NBI-SAU, sinabi nitong posibleng sa susunod na linggo ay ilabas na ng Korte ang ‘commitment order’ – ito ang pormal na utos ng Korte na kung saan ay ililipat na ang mga convicted individuals sa national penitentiary.
Dito ay kukumpletuhin ni Lozada ang kanyang sintensya.
Nakarang linggo nang hatulan ang magkapatid na Lozada ng anim hanggang sapmung taon na pagkakakulong.
Sa ngayon, nananatili ang dalawa sa kustodiya ng NBI.
#