Naniniwala ang James L. Gordon Memorial Hospital na liliit na ng husto ang bilang ng mga pasyenteng tinatamaan ng corona virus disease sa mga susunod na buwan.
Ito ay kapag nabakunahan na ang mas maraming mga mamamayan ng Zambales at Olongapo na karaniwang pinanggagalingan ng mga pasyente.
Ayon kay Hospital Chief Dr. Jewel Manuel, kahapon ay walang pasyente ang naka-admit sa covid-19 waiting area ng ospital na isa sa mga indikasyon na nababawasan ang mga tinatamaan na ang sintomas ay severe at critical.
Paliwanag ni Manuel, kapag bakunado na ang isang tao ay liliit ang tiyansa na kailangan pang dalhin sa mga ospital dahil tiyak na hindi malala ang mararanasang sintomas.//Christian Andres-BNFM OLONGAPO
