NAGA CITY – 53 na ang naitalang kaso ng HIV/AIDS ng Naga City Hygiene clinic dahil dito mas hinihikayat pa ang mga kabataan na sumailalim sa libreng testing.
Kahapon, maraming mga kabataan ang nag pa test sa ginawang aktibidad ng Family Planning Organization Camarines Sur Chapter na ang venue ay sa isang restaurant sa lungsod.
Napag-alaman ng Brigada News FM Naga mula kay Grace Guevarra ang head ng hygiene clinic na pati mga empleyado at ibang staff ng restaurant at ng naturang organisasyon ay nakumbinsi nilang mag pa test na rin.
Natutuwa sina Guevarra dahil marami ng mga nasa sektor ng kabataan ang interesado ng mag pa test sa kanilang clinic dahil sa mas naiintindihan na ng mga ito ang kahalagahan ng kanilang libreng programa.
Ang mga kaso sa Naga ay nagmumula sa lungsod at sa ibang bahagi ng Camarines Sur.