US First Lady Jill Biden nakatakdang i-welcome si Ukrainian first lady Olena Zelenska

Nakatakdang i-welcome ni US First Lady Jill Biden si Ukrainian first lady Olena Zelensky.

Ayon sa White House, nakatakda ang private bilateral meeting ng dalawang first lady.

Matatandaan na unang nagharap nang personal ang dalawang first lady noong Mayo nang nagkaroon ng “stealth trip” si Biden sa Ukrain kung saan ito ang unang pagkakataon na nakita siya ng publiko matapos ang pagsalakay ng Russia noong Pebrero.

Pagkatapos umano ng unang pulong ng dalawang first lady ay nagtuloy-tuloy na ang kanilang komunikasyon.

Kabilang sa mga unang natalkay ng dalawang ginang ang kondisyon ng Ukrainian children sa gitna ng pagsalakat sa kanilang tropa ng Russia.