18 bagong kaso ng Covid-19 sa Albay, naitala sa magkakasunod na 3 araw

LEGAZPI-Labing walong bagong kaso ng tinamaan ng Covid-19 ang naitala sa Albay sa tatlong magkakasunod na araw batay sa huling ulit ng Albay Provinicial Health Office.

Ayon sa tanggapan, isang 7 anyos na bata mula sa nasabing bilang ang binawian ng buhay.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Hindi pa matukoy kung saan ito naexpose at lumabas lamang ang resulta na itoy positibo sa sakit kinaumagahan matapos ito mamatay.

Wala din ito ni isang bakunang naiturok sa katawan kontra sa nakakahawang sakit.

Dagdag pa nito, 10 dito ang nakaranas ng sintomas at inabisuhan na mag self quarantine.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Nanawagan naman ang PHO Albay, na sundin ang mga pinapatupad na health protocols para hindi magkasakit at kung nakakaranas nan g sintomas, mas maigi na magpahinga na lamang sa bahay at magpatest para hindi na makahawa sa iba.