52 preso sa Colombia, nasawi dahil sa riot at sunog

Nasawi ang nasa 52 na mga preso habang 26 ang nasugatan dahil sa naganap na riot at sunog sa southwestern Colombia.

Ayon kay National Penitentiary and Prison Institute (INPEC) director Tito Castellanos, lumikha ng sunog ang nasabing mga inmates para hindi makapasok ang mga pulis sa isinagawang riot doon.

Read More:  France to deploy more police amidviolent protests

Sinasabing nasa 1,200 ang mga preso ang nakapiit sa naturang prisinto na ngayon ay mas pinaiigting ang seguridad.

Read More:  Trump administration revokes over 300,000 US visas amid immigration crackdown

Samantala, maraming kaanak ng mga bilanggo ang nagbabakasakali na mabigyan sila ng impormasyon sa labas ng piitan. (ARGIE ERGINA)