NATO leaders, iimbitahan ang Sweden at Finland na maging miyembro nito

Inihayag ni North Atlantic Treaty Organization (NATO) chief Jens Stoltenberg na iimbitahan nila ang Sweden at Finland na maging miyembro nito.

Itoy para mapalakas ng NATO ang kanilang pwersa sa kasalukuyang digmaan sa Ukraine laban sa Russia.

Iginiit ni Stoltenberg na papalakasin nila ang kahandaan ng mga kasama nito mula 40,000 hanggang 300,000.

Samantala, patuloy pa din ang pangbobomba ng bansang Russia sa Ukraine kung saan isang mall na naman doon ang pinasabog. (ARGIE ERGINA)