Deanna Wong, hindi siguradong maglalaro sa PVL Invitational Conference

Hindi pa sigurado si Deanna Wong kung makakalaro ito sa Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference na nakatakdang gawin sa susunod na buwan.

Ayon kay Choco Mucho coach Oliver Almadro, maglalaro siya kasama ng Choco Mucho Flying Titans pero hindi pa umano 100%.

Matatandaang nagkaroon ng shin injury si Wong sa playoffs ng PVL Open Conference nitong taon kung saan hindi siya nakasama sa 31st Southeast Asian Games.

Samantala, inihayag ni Almadro na patuloy pang nag-rerecover ng naturang volleyball player na ngayon ay sumasailalim ng theraphy. (ARGIE ERGINA)